Nahaharap umano sa "heightened risks" ang may 235,000 na mga babaeng buntis sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sa ulat ng UN Population Fund (UNFPA), sinasabing nasa 900 deliveries o kaso ng panganganak araw-araw ang naitatala sa nasabing mga areas, sa kabila nang kakulangan ng medical supplies at facilities.
Samantala, muli ring nanawagan ang World Health Organization (WHO) para sa karagdagang mga medical staff para tulungan ang mga nabiktima ng bagyo at posibleng paglaganap ng sakit sa mga evacuation centers.
Sa ngayon umano ay mayroon lamang 32 medical teams ang naka-deploy sa mga apektadong areas na tinutulungan ng 30 staff.
Kabilang aniya sa mga medical teams ay galing ng Hungary, Italy, France, Korea, US, Canada, Germany at Poland.
0 comments:
Post a Comment