Sa gitna nang matinding pagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, tanging sa panalanganin at malalim na paniniwala na lamang sa Diyos humuhugot ng lakas ng ating kababayan sa Tacloban City.
Sa Santo Nino Church, mahigit isang linggo matapos manalasa ang bagyo, isang banal na misa ang inialay sa mga biktima ng kalamidad. Ipinaalala ni Monsignor Alex Opiniano na sa kabila nang mapait na karanasan ng tao, mahalaga pa rin umanong kilalanin at ipagpasalamat ang kabutihan ng Panginoon.
Oportunidad din anya ito para mas maging malapit sa Diyos tulad ng mga apostol noon na nakipagsagupa sa malalaking alon pero hindi nawalan ng tiwala sa Diyos.
0 comments:
Post a Comment