Pasok sa Gold Medal Round ang apat na Filipino Wushu Players sa ginaganap na Southeast Asian Games sa Myanmar.
Ayon kay Philippine Wushu Federation Secretary General Julian Camacho, tatlong Gold Medals ang inaasahan nilang maiuuwi ng mga players mula sa nasabing laban.
Kabilang sa mga nagtala ng panalo sa Wushu Sanshou Competitions ay sina Divine Wally, Evita Elise Zamora, Denbert Arcita, at Jessie Aligaga.
Tinalo nina Wally at Aligaga ang kanilang mga kalaban sa Men's at Women's 48 Kilograms Division habang sina Zamora at Arcita ay sa 52 kilograms Division.
0 comments:
Post a Comment