Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kaninang alas-7:58 ng umaga.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa 57 km timog silangan ng Mati, Davao Oriental.
May lalim itong 52 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Inaalam pa ng Phivolcs at NDRRMC kung may naitalang pinsala dahil sa pagyanig.
Intensity V - Mati Davao Oriental; Davao City; Toril
Intensity III - Butuan City; Kidapawan City
Intensity II - San Francisco, Agusan Del Sur; Cotabato City; Gen. Santos City; Koronadal City; Polomolok South Cotabato; Alabel Sarangani.
0 comments:
Post a Comment