Patay On The Spot ang isang Election Officer sa lalawigan ng Maguindanao nang barilin ito ng Riding in Tandem sa North Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Ted Sispon, Assistant Election Officer ng Parang, Maguindanao.
Ayon kay North Cotabato PNP Provincial Director S/Supt Danilo Peralta, sakay ang biktima sa isang pampasaherong Multi-Cab mula sa Brgy Binuligan, Kidapawan City ngunit pagsapit nito sa Brgy Manoboan, Matalam, North Cotabato, bigla itong dinikitan ng Riding In Tandem at saka binaril gamit ang kalibre 45 na pistola.
Tinamaan ang biktima sa likod at ulo dahilan para agad itong bawian ng buhay.
Tumakas naman ang mga suspek lulan sa isang Bajaj Kawasaki na Motorsiklo.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na posibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa pagpaslang dito.
0 comments:
Post a Comment