Ngayon pa lamang hindi na maitago ng mga Teammates sa Los Angeles Lakers ang excitement dahil sa inaasahang pagbabalik sa paglalaro ng NBA Superstar na si Kobe Bryant simula sa Lunes.
Aminado si Lakers Coach Mike D'Antoni na maging siya ay excited na rin siya pero umaasa siya na sana ay hindi naman masyadong maging excited ang mga players at nakatingin na lamang kay Bryant sa kanilang game.
Kwento pa ni Coach Mike, kadalasan kasi noong mga nakalipas na mga game habang aktibo pa si Bryant ay napansin niya na kapag naglalaro si Kobe ay nakatingin na lamang ang ibang mga players.
Magsisimula na ang NBA Season Debut sa darating na Lunes kontra sa Toronto Raptors.
0 comments:
Post a Comment