Inalerto ang buong kabisayaan at kamindanaowan sa posibleng landslide at flashflood dahil sa epekto ng low pressure area o LPA.
Ngayong tanghali, huling namataan ang sentro ng weather disturbance sa layong 460 kilometro sa silangan ng General Santos City.
Kabilang sa inaasahang makakaranas ng mga pag-ulan ay ang buong Mindanao, Leyte provinces, Negros provinces at Bohol na posibleng magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa hiwalay na data ng Japan Meteorological Agency o JMA, isa ng tropical depression ang nasabing LPA.
Kung tutukuyin ng local weather bureau na isa na ngang bagyo ang naturang namumuong sama ng panahon, ito ay tatawaging tropical depression Agaton na magiging unang bagyo para sa taong 2014.
0 comments:
Post a Comment