Pebrero 25, 1986, nanumpa si Corazon Cojuangco-Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro lamang mula sa Kampo Crame, kung saan nananatili ang pwersa ng mga sundalong kontra sa pamamalakad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pinanumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, habang nanumpa naman si Salvador "Doy" Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Associate Justice Vicente Abad Santos.
Habang nanunumpa ang mga bagong lider, nasa labas ang maraming naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay inawit nila ang "Bayan Ko."
Sa kabilang daku, sa MalacaƱang nanumpa naman si Pangulong Marcos. Ang panunumpa ay ginawa ni Pangulong Marcos sa balkonahe ng palasyo at na-broadcast ito sa mga himpilang hawak ng gobyerno. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Defense Minister Juan Ponce-Enrile para sa kaniyang ligtas na paglisan kasama ang kaniyang pamilya.
Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales bandang alas-9:00 ng gabi, bago tuluyang lumipad patungong Hawaii.
0 comments:
Post a Comment