Walang mapagsidlan ng labis na saya ang 15-anyos na estudyante na si Jerio Earl Veria sa kabila ng kapansanan, matapos nag-uwi ng tatlong gintong medalya sa nagpapatuloy na Socsargen Regional Athletics Association o SOCCKSARGEN Meet 2014.
Aniya, ginawa lamang nito ang payo ng kanyang Coach na tumakbo ng mabilis sa larangan ng athletics .
Ipinagmamalaki naman ni Coach Fatima Hilal ng Lake Sebu Central Elementary School ang naging performance ni Veria at sinabing sulit ang kanilang paghihirap na maturuan ang mga "differently abled" gaya ni Veria sa larangan ng palakasan.
0 comments:
Post a Comment