Excited na ang mga Pinoy sa Amerika na masaksihan ang paglalaro ng Filipino-American Football Player na si Douglas Dewayne o sa kilalang "Doug" Baldwin, Jr. sa Championship Game ng 48th Edition ng Super Bowl.
Naging kilala rin si Baldwin noong November 17, 2013 kung saan bago maglaro ang Seahawks ay nagbitbit siya ng Philippine Flag sa kanyang Entrance sa Century Link Field upang magbigay pugay sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.
Ang Championship Game sa Super Bowl na gaganapin sa Lunes simula alas-7:30 ng umaga ay itinuturing na pinakamalaking Sporting Event sa Estados Unidos na mas malaki pa sa Olympic Games.
Kadalasan itinuturing ng mga fans na holiday ang Super Bowl Championship sa Amerika kung saan inaasahan na 80,000 mga fans ang bubuhos sa Met Life Stadium sa New Jersey sa laban ng Seattle Seahawks at Denver Broncos.
0 comments:
Post a Comment