Ayon kay Dr. Garcia, walang katotohanan ang nabanggit na balita at sinabing wala pang namamatay sa kanilang lugar ng dahil sa nabanggit na nakahahawang sakit. Sa kabila nito ay inalerto na nila ang mga Barangay Health Workers sa nasasakupan na gumawa ng kanilang reports sakaling may mga maitalang insedente na may kaugnayan sa nabanggit na epidemya.
Aminado naman si Dr. Garcia na may nabasa na siyang libro kaugnay sa flesh eating bacteria ngunit naitala ito sa bansang Amerika. Pinayuhan nito ang publiko na huwag agad-agad maniniwala sa kumakalat na balita.
Nauna rito kumalat ang balita mula sa hula ng isang Indian prophecy na si Sadhu Sundar Selvaraj kaugnay sa pagkalat ng flesh eating bacteria na mag uumpisa sa lalawigan at kakalat sa iba't ibang panig ng mundo.
Babala sa mga manonood, sensitibo ang bidyong inyong makikita. Mula sa Report ni Jasmin Romero ng BANDILA:
0 comments:
Post a Comment