Trahedya ang sinapit ng isang bakasyunistang Chinese National matapos na mamatay dahil sa hinalang nasobrahan ito sa kinaing tikoy at iba pang putahe sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa isla ng Boracay.
Ang biktima ay kinilalang si Jinmu Huang, 55, residente ng Shanghai, China at pansamantalang nanunuluyan sa Alta Vista Resort sa Brgy. Yapak sa isla.
Base sa report ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, masaya umanong nagdiriwang ang biktima kasama ang kanyang anak na babae na si Wen Huang, 32, nang biglang makaramdam ng paninikip ng dibdib ang biktima dahilan kaya agad itong isinugod sa isang klinika sa isla, ngunit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa kanyang anak, sinaway na niya ang kanyang ama na tigilan na ang pagkain ng tikoy at iba pang putaheng inihanda ng resort kaugnay sa selebrasyon ngunit hindi ito nagpaawat.
Sa pahayag ng sumuring doktor, cardiac arrest ang ikinamatay ng biktima.
0 comments:
Post a Comment