Matapos ang ilang buwang paghihintay, kompleto na ang mga grupo para sa gaganaping FIBA World Cup of Basketball.
Mula sa 24 na koponan, pinaghati-hati ito sa apat na brackets na may tig-aanim na teams.
Napabilang sa Group B ang Pilipinas habang ang Team USA ay nasa Group C.
Nangangahulugang hindi kaagad makakalaban ng Pilipinas ang Amerika na 2010 FIBA World champions na binubuo ng mga NBA players.
Kabilang pa sa Group B ay ang Power House Team na Argentina, kung saan maglalaro sina NBA stars Manu Ginobili at Luis Scola; kasama ring makakalaban ng Pilipinas ang mga bansang Senegal, Croatia, Puerto Rico at Greece.
Ang preliminary rounds ay lalaruin sa apat na siyudad ng bansang Spain na kinabibilangan ng Bilbao, Gran Canaria, Granada at Seville mula August 30 hanggang September 4, 2014.
Samantalang ang Final Round ay gagawin sa September 6 hanggang September 14 sa Barcelona at Madrid.
0 comments:
Post a Comment