HINIGARAN - Apat ang patay habang 30 ang sugatan matapos banggain ng ceres bus ang double-tire kahapon dakung alas 10: 27 ng umaga sa Sitio Ipil, Brgy. Pilar Highway sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental.
Ang mga nasawi sa aksidente ay nakilala na sina Wilma Medalla, 23-anyos na tatlong buwang buntis at residente ng M. Claro, Binalbagan; Claudio Lowel Janolino ang konduktor ng double-tire at residente ng Miranda, Hinigaran; Ronaldo Alfonso ng Carul-an, Kabankalan at Henry Rendon ng Binalbagan.
Pito naman ang sugatan na dinala sa Western Visayas Regional Hospital na sina Jesus Escalona 22-anyos ng M. Claro Binalbagan; Jason Escalona, 4-anyos ng M. Claro, Binalbagan; Rene Papkin 37-anyos; Mia Rose Ganelia, 16-anyos ng Hinigaran; Ronaldo Baya, 21-anyos ng Hinigaran; Ernie Gregorio ng Malvar, Pontevedra at isa pang babae na naputulan ng kamay.
Dalawa naman ang ginrefer sa Bacolod Doctor’s Hospital habang 20 ang out patient na sa Hinigaran Emergency Clinic.
Samantala, detain sa Hinigaran Police Station ang driver ng ceres bus na si Jonathan Estoya Maghari at ang kundoktor nito na si Rufino Banga ng San Enrique.
0 comments:
Post a Comment