Ang American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez ang aawit ng "Lupang Hinirang" sa Pacquiao-Bradley 2 sa darating na April 13 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Maalala na dati na ring kinuha ng Filipino ring icon ang Filipino-American-Mexican na si Sanchez na umawit ng national anthem sa kaniyang mga laban.
Noong 2012, si Sanchez ang umawit ng US national anthem na "Star Spangled Banner" sa unang pagharap nina Pacman at Bradley kung saan natalo ang Filipino ring icon.
Nitong nakaraang Nobyembre 12 lamang ay si Jessica rin ang umawit ng "Lupang Hinirang" at "Star Spangled Banner" sa laban ni Pacquiao kay Brandon Rios sa Macau, China kung saan panalo ang Filipino boxer.
Kung si Sanchez ang aawit sa national anthem ng Pilipinas, ang singer naman na si Ashanti ang kakanta ng pambansawing awit ng Amerika sa Pacquiao-Bradley 2.
0 comments:
Post a Comment