Job Mismatch pa rin ang pangunahing nakakaapekto sa unemployment rate sa bansa ngayon ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE.
Sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz, maraming hindi kuwalipikado sa mga bakanteng posisyon sa mga isinasagawang Job Fair.
Sinisikap parin ng DOLE na malunasan ang Job Mismatch kaya mayroong koordinasyon sa ibang ahensya ng pamahalaan partikular sa CHED at TESDA upang mabigyan ng tamang gabay ang mga magulang at estudyante kung anong kurso ang dapat kunin.
Napuna na rin ng MalacaƱang ang problema matapos maglabas ng ulat ang National Economic Development Authority o NEDA na tumaas ang bahagdan ng unemployment rate sa bansa sa unang quarter ng 2014 mula sa dating 7.1 percent ay naging 7.5 percent.
0 comments:
Post a Comment