BACOLOD CITY - Ginahasa ang isang 13-anyos na dalagita na residente ng Bangga Cory, Brgy. Taculing, Bacolod City.
Ayon sa lola ng biktima, umalis ito noong biyernes pa noong Abril 11 para dumalo sa summer class sa Bacolod City National High School ngunit hindi na ito nakauwi sa kanila.At nakauwi na lamang ito noong Miyerkules ng umaga kasama ang kanyang mga kaibigan. At doon na lamang nalaman ng kanyang lola ang nangyari sa kanya.
Tinuro ng biktima si Solito Bangcaya, 49-anyos, residente ng Brgy. Ma-ao, Bago City at stepfather ng kanyang nobyo ang gumahasa sa kanya.
Sa Medical Examination ng dalaga, may nakita na walong laceration sa kanyang pagkatao.
0 comments:
Post a Comment