Lumabas sa background check ng Manila Police District-Police Station 11 na wanted sa iba’t ibang korte sa kasong criminal at rape ang isa sa mga Tsinoy na nahulihan ng P118 milyon halaga ng shabu sa Binondo, Maynila.
Si Anthony Ang Chiu ay wanted sa tatlong counts ng rape sa Quezon City Regional Trial Court, kasong serious illegal detention sa Valenzuela RTC at serious physical injuries sa Caloocan RTC.
Si Chiu at kasamang si John Chua Sy ay naaresto sa harap ng isang condominium malapit sa MPD-PS 11, alas-5:30 ng umaga matapos may makakitang humihithit sila ng marijuana.
May dalang “trolley bag” ang dalawang suspek at nang buksan ay doon nakita ang 10 kilo ng shabu.
0 comments:
Post a Comment