Anim ang patay kabilang ang batang napugutan ng ulo matapos tumagilid ang sinasakyan nilang bus sa Aurora, Zamboanga del Sur.
Bukod sa mga namatay ay may 17 pasahero pa ang isinugod sa pagamutan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, biglang tumagilid ang bus nang iwasan ng drayber ang tumawid na residente sa lugar.
Nangako naman ang may-ari ng bus na sasagutin ang gastusin ng mga biktima.