Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Commission on Elections o COMELEC ang paglahok ng libu-libong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa gagawing nationwide voters registration sa susunod na buwan.
Ayon sa COMELEC, bunsod nang paglagda ng Comprehensive Agreement of Bangsamoro ng gobyerno at MILF ay inaasahan na nilang marami sa mga ito ang magnanais na makalahok sa nalalapit na eleksyon.
Matatandaang itinakda na ng COMELEC ang nationwide voters registration simula sa Mayo 6 at tatagal ito hanggang Oktubre 31, 2015.
Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr., tinatayang aabot sa tatlong milyong bagong botante ang magpaparehistro para makalahok sa 2016 synchronized local and presidential polls.
0 comments:
Post a Comment