Nailibing na ang itinuturing na pinakamalaking sperm whale na napadpad sa baybayin ng bansa.
Sa pamamagitan ng pagpira-piraso sa katawan nito, unti-unting inilibing ang higanteng isda na una nang nakuha sa baybayin ng Barcelona, Sorsogon nitong nakaraang linggo.
Matatandaan na halos hindi tablan ng chainsaw ang katawan ng balyena dahil sa sobrang laki nito at nahirapan din ang mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Bicol dahil sa lokasyon ng isda na halos 1.5 kilometro pa mula sa baybayin.
Samantala, lumabas sa eksaminasyon ng BFAR na posibleng nahirapang dumumi ang balyena dahil sa dami ng malalaking squid beaks na nakuha mula sa bituka nito na pinanainiwalaang naging dahilan ng pagkakaproblema sa loob ng sistema ng isda.
Ang nasabing hayop na may sukat na 19.8 by 8.9 meters ay itinuturing na record breaking sa kasaysayan kung kaya ipipreserba ang buto nito sa Barcelona Ruins para sa educational purposes.