MURCIA - Tumakilid ang isang pampasaherong jeep sa tulay ng Pandanon Resort sa bayan ng Murcia, Negros Occidental nito lang ng hapon.
Ayon kay Murcia Mayor Andrew Montelibano, patungo sana sa bayan ng Don Salvador Benedicto ang nasabing sasakyan pero sa tulay pa lamang ng Pandanon bigla ito tumagilid at tuluyan ng natumba.
Labing apat na pasiyente ang isinugod sa Western Visayas Regional Hospital, walo naman ang isinugod sa Bacolod
Adventist Medical Center habang minor injuries lamang ang natamo ng iba pa.
Napag-alaman na galing sa Bacolod ang nasabing sasakyan na minamaneho ni Wilfredo Abian ng
Sitio Natawog, Brgy Kumaliskis bayan ng Don Salvador Benedicto.
Wala naman
na ulat na nasawi sa aksidente.