Patay ang 51-anyos na Pinay nurse makaraang barilin ng kanyang ka-live-in na Amerikano sa kalagitnaan ng isang party sa kanilang tahanan sa Clearwater City, Florida.
Ayon sa report ng kapulisan, binaril si Josephine Austria isang pinay nurse ng kanyang 24-anyos na ka-live-in na si Alexander Richardson isang amerikano.
Naganap ang insidente habang nagsasagawa ng birthday party sa tahanan ng magkasintahan kasama ang ilang mga bisita sa Block 2300 Hillcreek Circle East.
Agad isinugod sa ospital si Austria ngunit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad si Richardson na sasampahan ng kasong second-degree murder.