CADIZ CITY - Patay na nang matagpuan ang isang ginang sa loob ng kanilang bahay sa Cadiz City, Negros Occidental matapos pinasok ng isang akyat bahay kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima kay Jenelyn Silga Dela Cruz, 24-anyos ng Kalong-Kalong, Brgy. Cabahog.
Natagpuan ang biktima na wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay at may natamong sugat sa leeg.
Ayon kay Police Insp. Rolando Umayaw, ang Deputy Chief of Police ng Cadiz City Police Station, alas 2:00 ng umaga kahapon narinig ng mga kapitbahay ang sigaw ng biktima na humihingi ng tulong.
Sa pagresponder ng mga kapulisan, nakita ang biktima na nakahandusay sa bakuran ng kanyang bahay na may natamong sugat sa leg at wala nang buhay.