Nagulantang ang mga show host at maging ang mga viewers ng telebisyon sa bansang Turkey nang mismong ang isa sa contestants sa isang TV dating show ang umamin na pinatay niya ang kanyang misis at isa pang naging girlfriend.
Ayon sa 62-anyos na si Sefer Calinak, "honest" lamang siya kaya niya binanggit ang pagkaugany sa dalawang pagpatay.
Pero pinagdusahan na umano niya ang murder case ng 14 na taon sa kulungan at nabigyan siya ng amnesty.
Sinabi pa ni Sefer kaya siya sumali sa Flash TV “Luck of the Draw” show para magkaroon ng panibagong partner.
Pero tiniyak niya na hindi na niya ito papatayin.
Lagi raw kasi siyang iniiwan ng kanyang nililigawan kapag nalaman na pinatay niya ang dalawang dating naging misis.
Matapos ang pag-amin na ito ng contestant ay agad siyang sinibak sa show.
Nagbanta naman ang media montoring sa naturang telebisyon na kakasuhan.
Dapat kasing nagsasagawa ng mabuti ng background check o imbestigasyon sa mga sasali sa show.