LA CARLOTA CITY - Galos sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng tatlong persona matapos matumba ang kanilang sinasakyang motor sa Brgy. Ayungon sa lungsod ng La Carlota noong Huwebes ng gabi, dahil sa umano'y nakakita sila ng manananggal.
Sa panayam kay Nestor, 19-anyos, pauwi na sila ng kanyang nobya, 17-anyos at kapatid na babae ng kanyang nobya, 13-anyos mula sa isang okasyon.
Ayon kay Nestor, magka-angkas silang tatlo sa motor nang gabing iyon, nang may mapansin ang kanyang nobya na may lumilipad sa kanilang bandang likuran bahagi at tilang sumusunod sa kanila.
Nagulat na lamang siya ng biglang sumigaw ang kapatid ng kanyang nobya na "manananggal", natranta siya at nawalan siya ng balanse sa paghawak ng manibela hanggang tuluyan silang natumba sa kalsada.
Sabi pa niya, pagulong-gulong sila sa kalsada nang matumba ang sinasakyang motor at pagkatapos kanya-kanya na silang takbo, hanggang may isang traysekel na dumaan at nakakita din sa manananggal habang papalayo, agad naman tinulungan sila ng traysekel drayber.
Sabi pa ni Nestor, first time niya makaranas ng ganon, at first time din niya nakakita ng manananggal. Noong una, akala niya malaking ibon lang ang lumilipad, pero nang palapitan na doon niya nakita na manananggal na pala.
Sa ngayon, nagpapagaling na ang tatlo dahil sa natamong galos sa kanilang mga katawan.