Tiniyak ni Manny Pacquiao na maging playing coach siya sa bagong team na papasok sa huling bahagi ng taong ito sa Phil. Basketball Association o PBA.
Inamin ni Manny na plantsado na ang pagpasok niya sa PBA matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Kia Motors, isang Korean company, na siyang hahawak sa koponan.
Posibleng kumuha ng mga players na bubuo sa bagong team si Pacman sa magaganap na draft sa buwan ng Hulyo.
Nagpaliwanag naman si Pacman na hindi niya siya dapat sumailalim pa sa draft dahil playing coach naman siya.
Idol daw niya ang basketball legend na si Robert Jaworksi na playing coach din noon.
Hindi na rin bago sa fighting congressman ang maging coach dahil sa kanyang team na Team Pacquiao.
Kasabay nito, tiniyak ng ring icon na hindi naman masisira ang kanyang career bilang boxing champion sa panibago na namang hamon na kanyang papasukan.