Ang daigdig daw ay nahahati sa dalawang uri lamang ng taong
naninirahan. Babae o Lalaki... mapatao, mapahayop at mapainsekto.
Dalawang uri pa rin... Babae o Lalaki...
E, paano
naman kaya iyong isinilang na nasa pagitan ng babae at lalaki ang
damdamin at pag-uugali? Iyong lalaki na pusong babae at iyong babae na
pusong lalaki, o sa madaling salita ay iyong Bakla at Tomboy?
Nabubuhay
din sila... tao rin sila, at pangkaraniwan din lamang, mas menos ang
tingin ng iba: Mababaing uri, katawa-tawa, ipinanganak para libakin,
katuwaan, kutyain at hindi para igalang o ituring na pangkaraniwan ding
lalaki o pangkaraniwang babae kaya. Kung minsan, nakakalamang pa ang
tomboy. Hindi mo puwedeng biruin nang harapan o tuksuhin at mababae o
malalaki ka man tiyak na bibirahin ka. Kaya kung libakin man ang tomboy
ay patalikod, palihim o pabulong. Samantalang ang bakla ay hayagan...
ultimong batang munti ay nanatukso at para bang kasiyahan na ng ibang
ipagsigawang bakla ito. Iyong naririnig ntg lahat natatawa naman. Paano
ngang hindi ganoon... e, takot lumaban ang bakla. Taglay ang ugali ng
babaing kimi, mahiyain at mahinhin. Takot sa basag-ulo kaya naman
alagang tuksuhin at pagtawanan.
Ano ang bakla? Bakit
nga ba hindi sila magpakalalaki? Para sa inyong kaalaman, maging ang
siyensiya ay ipinaliliwanag na ito ay natural. Sumubra lang daw ang
Female Hormones sa katawan nila, kaya kahit na katawang lalaki ay
nagiging kilos at damdamin babae sila. Sa ibang bansa man ang bakla o
tomboy ay tinagurian na nilang Third Sex.
Maging ang
simbahan ay nagpapahayag na hindi dapat pagtawanan o libakin ang bakla
pagkat hindi nila kasalan ang ipinagkakaganoon nila.
Ang
totoo, karamihan sa mga bakla ay "TALENTED" maraming nalalaman sa
sining at maituturing na nakahihigit pa sa tunay na lalaki o babae. Kasi
ay dalawang uri ang damdamin at panlasa ang naipadama nila. Ang sa
babae at ang sa lalaki. Kaya karaniwan ang anumang creation nila ay "OUT
OF THIS WORLD" Fabulous, Fantastic at hindi iilang kritiko ang pumuri
at pumalkpak sa katangian ng mga bakla.
Marami sa mga
bakla ay natutukong maglayas sa kanila dahil sa ikinahihiya, binubugbog
at sinisikap ng magulang nilang baguhin sila pagkat nakhihiya. May iilan
na natatanggap ng magulang ang tunay na pagkatao ng kanilang anak.
Pinababayaan t tinuturing na anak.
Masasaya ang mga
bakla... basta nagkasama-sama, nagtitilian at hagikhikan, talaga po
namang iskandalong malki. Ganyan sila... ang saya-saya, tilian nang
tilian pag nagkakasama-sama, tsismisan nang tsismisan, talsikan nang
talsikan ang mga daliri, ang mga paksa ng usapan ay puro paksang babae
parang wala nang kamatayn sa kaeetso.
May mga baklang
halos perfect ang paggamit nila ng cosmetic surgery, wigs, wiglets,
postiche eyelashes at mga falsies na halos magmukahang mg atunay na
babae.
Sa kaso ng third sex o "siyoke" naniniwala na
hindi sila dapat kamuhian. Sila man sa sarili nila ay nayayamot din,
naiinis sa kanilang kalagayan. Nasa kanila na iyon, bago pa sila isilang
at wala silang magagawa upang ito ay alisin. Naniniwala rin na ang
pagiging siyoke ay isa lamang "ERROR OF NATURE" katulad nang pagkakaroon
ng mga isinilang na mga kuba, bingi, bulag at mga may depormadong
pangangatawan.
0 comments:
Post a Comment