May nakilala kaming isang matanda na ang pangalan ay si Eusebia Cabacoy, 85 Years Old, may anak daw po siya ito ay sina Delfin, Eujeno, Maylene, Teteng Cabacoy. Pero, hindi niya kasama ngayon. Gusto niya sanang makita ang mga anak niya bago daw siya kunin, yun ang sabi niya sa amin habang umiiyak.
Sobrang nakakaawa si Lola Eusebia, nakatira lang siya sa sobrang sikip na bahay. Kung titingnan mo ay parang bahay ng aso. Yung bubong ng kanyang bahay ay maraming butas kaya pag natutulog sya ay nababasa sya. Kumakain siya ng dalawang beses sa isang araw, minsan ay hindi na sya nakakakain dahil sa hindi sya makapag-saing, dahil sa hindi na sya nakakalakad. Naghihintay nalang siya na bibigyan ng pagkain ng mga kapitbahay.
Habang ini-interview si lola Eusebia, umiiyak siya dahil sa sobrang hirap na daw ang kanyang kalagayan. Wala na daw nagmamahal sa kanya. Tapos may iniinda pa siyang sakit sa tuhod, namamaga na kasi ang kanyang tuhod sa sobrang sakit daw talaga.
Umiiyak siya habang sabi sa amin... "Bata, pwedi niyo ba ako bilhan ng gamot para sa tuhod ko kasi sobrang sakit na talaga ehh"
Kaya binilhan namin siya ng gamot, pero hindi naman yun magkakasya sa kanya kasi wala naman kaming pera para pambili ng gamot.
Sabi nya sana daw mabuhay pa sya ng matagal kasi gusto pa niyang makita ang kanyang mga anak. Sabi pa niya sa amin "Akala ko wala ng taong makakapansin sa kalagayan ko ngayon, pero meron pa pala, salamat sa inyo mga bata, sana matulongan niyo talaga ako" habang umiiyak si Lola.
Hindi namin napigilan ang mga luha namin... luha ng awa. Nasabi namin sa sarili namin na kailangan talagang makuntento sa mga bagay- bagay. Pangako namin kay Lola na marami talagang taong tutulong sa kanya, kaya asahan niya na babalik kami sa bahay nya para matulungan namin sya. Alam namin na maraming anghel dito sa lupa na nagbabalat kayong tao para makatulong sa mga nangangailangan. Sana isa ka sa mga taong handang tumulong kay Lola Eusebia. Ako na ang nagmamakaawa sa inyong lahat, sana matulongan natin sya.
Hindi namin ito ginawa na para sumikat kami at pakitang tao. Gusto lang talaga naming tumulong kay Lola. Sana naman na matulongan talaga natin si Lola.
NANGANGAILANGAN PO SI LOLA NG:
PANG MEDICAL, FOODS AT SHELTER!
PLEASE "SHARE" THIS PO!
NAG SHA-SHARE NGA TAYO NG WALANG KWENTANG BAGAY ITO NA KAYA NA MAY MATUTULONGAN TAYO!
PRA DIN PO MAKITA NATIN ANG ANAK NI LOLA AT PARA MARMAING TUTULONG KAY LOLA EUSEBIA...
by: Twins
0 comments:
Post a Comment