Hindi nabigo ang ilang skywatchers dito sa pilipinas sa pag-aabang ng
taunang Perseids Meteor Shower, kahit katatapos lamang ng Bagyong
Labuyo.
Ayon sa Pagasa, mas makulay ang pagpapakita ng
bulalakaw sa ibang lugar sa ating bansa dahil nahawi ang mga kaulapan at
nahatak ng nagdaang tropical cyclone.
Sinasabing kagabi nagsimula ang peak nito ( August 12, 2013 ), at
nagtapos kaninang madaling araw.
Maganda umano itong pagmasdan kumpara sa ibang Meteor Shower dahil tapos na rin ang full moon at hindi na gaanong maliwanag ang buwan, bagay na pabor sa kinang ng malalayong bulalakaw para mas makita ng mga nag-aabang.
Aabot sa 15 Meteors ang namataan sa loob ng isang oras na obserbasyon ng mga naghintay sa tanggapan ng Pagasa.
Ang Perseids Meteor Shower ay nagmula sa Constellation Perseus na makikita sa Eastern Horizon tuwing buwan ng Agosto.
0 comments:
Post a Comment