Amang makapangyarihan
na panginoon naming lahat
na aming taga-pagligtas,
kami nananalig sa iyo.
Tauspuso kaming nagmamakaawa, 
tulongan mo kami 
lalo na ang mga biktima ng lindol 
sa kabisayaan at kamindanawan. 
Maraming nasaktan 
at maraming nasawi 
sa trahedyang ito.
Bigyan mo po sila ng haplos ng iyong awa, 
yakapin mo ang kanilng mga takot at pangamba, 
huwag mo silang pabayaan, 
tulongan mo sila upang bumangon muli 
mula sa pagkaguho 
katulad sa pagkaguho ng mga gusali 
at ng mga simbahan sa lalawigan.
Burahin mo ang kanilang takot, 
bigyan mo sila ng lakas 
upang lampasan ang lahat 
na mga pagsubok at hamon na dumating sa kanila.
Huwag mo po silang pabayaan, 
tulongan mo po ang mga 
kaawa-awang mga mamamayan, 
tulongan mo sila, 
kaawaan niyo po sila.
Amen...




