Tinalo ni Filipino GrandMaster Wesley So si Dutch GrandMaster Loek Van Wely sa loob lamang ng 41-moves sa ginanap na 9 Round ng 76th Tata Steel Tournament Masters sa Amsterdam.
Mula sa dating pang-anim hanggang pang-walong pwesto ang Bacoor, Cavite native ay nasa pang-pitong posisyon na ngayon.
Ang Armenian Super GrandMaster at dating kampeon na si Levon Aronian ay hindi natitinag sa unang pwesto na may natipon ng 7.0 points.
Sunod na makakalaban ng 20-anyos na si So ay si world number 45 Pentala Harikrishna ng bansang India.
Sina So at Harikrishna ay kapwa nagtala ng panalo sa round 9 at parehong may 5.0 points.
Si So na tinanghal na grandmaster sa edad lamang na 14-anyos, ay nasa pang-28 pwesto sa mga chess grandmasters sa buong mundo batay sa latest 2014 FIDE Ratings.
Ang Tata Steel Chess Tournament (super-tough) ay dating tinatawag na Corus chess tournament na ginaganap taon-taon.
Tinawag din itong Hoogovens tournament hanggang 1999 matapos na ang Dutch steel at aluminum producer na si Koninklijke Hoogovens ay magsanib sa British Steel upang mabuo ang Corus Group noong October 1999.
Ang pinakamalalakas na chess players sa top "A" section o 12 mga world's best ay maghaharap-harap sa isang round-robin tournament.
Mula taong 1938, kabilang sa mga sikat na kampeon at chess legends ay sina Max Euwe, Bent Larsen, Tigran Petrosian, Lajos Portisch, Boris Spassky, Mikhail Botvinnik, Mikhail Tal, Viktor Korchnoi, Jan Timman, Anatoly Karpov, Vladimir Kramnik, Garry Kasparov, Viswanathan Anand, Veselin Topalov, Levon Aronian, Sergey Karjakin, Magnus Carlsen at Hikaru Nakamura.
Ang Indian na si Anand, 44, ang tanging player na nanalo ng limang titulo.
0 comments:
Post a Comment