"Black Tuesday" protest ng iba't ibang media groups ay gagawin sa petsa Pebrero 25, araw ng Martes, laban sa kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act.
Ayon sa mga organizers, partikular na kanilang tinututulan ay ang online libel provision sa nasabing batas. Kasabay rin sa nasabing petsa ang paggunita ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Maalala na kabilang din ang ilang media organizations sa mga petisyoners na kumwestyon sa legalidad ng Republic Act 10175 sa Supreme Court.
Subalit sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, binigyang diin ni SC spokesman Atty. Theodore Te, na ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng mapanirang artikulo.
Pero "unconstitutional" o hindi dapat kasuhan ang "mag-like" lamang o ang mag-post ng komento sa orihinal na post o artikulo.
0 comments:
Post a Comment