Naglunsad ang lalawigan ng Albay ng isang donation drive para matulungan ang Philippine Lone Contestant na si Michael Christian Martinez sa nagpapatuloy na Sochi Winter Olympics sa Russia.
Kung maalala, lumabas sa mga balita na nagawa pa ng Pamilya Martinez na isangla ang kanilang bahay para lang maipadala ang kanilang 17-anyos na anak sa Sochi, Russia bilang pinaka-unang Pinoy Winter Olympian Contestant sa loob ng 22 taon.
Kasunod nito, agad naman na ibinigay ni Albay Gov. Joey Salceda ang kaniyang buwanang sahod para sa "Piso Para Ki Michael" kung saan umabot sa mahigit P100,000.00 ang naipon para maipakita ang suporta ng mga Albayano kay Martinez.
Sa ngayon ay patuloy naman na hinihikayat ng opisyal ang suporta ng iba't-ibang departamento ng lalawigan, mga local government units, ABC federations, mga organizations, Rotary Club of Legazpi at ang lahat ng gustong mag-paabot ng tulong kung saan hanggang bukas, Pebrero 14, alas-12:00 ng tanghali magtatagal ang paglikom ng pondo para kay Micheal.
Mamaya ay maipapamalas na ni Martinez ang kaniyang husay sa figure skating laban sa mga tinitingalang karibal sa pagsalang niya sa short program sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.
0 comments:
Post a Comment