Tinanghal na kampeon ang Seattle Seahawks sa Super Bowl 48 matapos ang 43-8 win kontra Denver Broncos sa Championship Game na ginanap sa Met Life Stadium sa New Jersey.
Dinomina ng Seahawks ang laro mula umpisa para itala ang kauna-unahang National Football League o NFL Championship na kanilang naibulsa.
Hindi umubra ang galing sa opensa ng Broncos kahit may presensiya pa ng MVP na si Peyton Manning dahil sa ipinakitang matinding depensa ng Seahawk.
Nangibabaw pa rin ang determinasyon ng Seattle sa mga "runs, pass, kick return, interception, safety at field goal" para ipakita ang isa sa "pinaka-lopsided" Super Bowl Championship.
Sinasabing ang panalo ng San Francisco na 55-10 kontra sa Denver sa Super Bowl XXIV ang nanatili pa rin sa record.
Sa second half lamang ay nasa 22-0 na ang abanse ng Seahawks.
Umeksena rin sa laro ang Fil-Am player na si Douglas Dewayne o "Doug" Baldwin, Jr." na umiskor ng touchdown para magdagdag sa score ng Seahawks na 43-8 sa fourth quarter.
Umaabot naman sa 75,000 na mga fans ang bumuhos sa laro sa kabila ng matinding lamig ng temperatura na inabot sa 6.6 degrees Celsius.
Samantala, agad na bumuhos ang pagbati sa Filipino-American football player na si Douglas Dewayne o "Doug" Baldwin, Jr." matapos na magtala ng touchdown sa para sa kampeon na team na Seattle Seahawk sa katatapos lamang na ika-38 Edition ng Super Bowl Championship.
Si Baldwin ang kauna-unahang may dugong Pinoy sa kasaysayan na umeksena sa pinakamalaking sporting event sa Amerika.
Ang ina ni Baldwin na si Cindy ay tubong Tacloban City kung saan ang mga kamag-anak ay survivors sa pagtama ng supertyphoon Yolanda.
Noong buwan ng Nobyembre nang nakaraang taon ay sumikat si Baldwin nang magbitbit ito ng watawat ng Pilipinas bago ang kanilang laro bilang pagbibigay pugay sa mga biktima ng kalamidad.
0 comments:
Post a Comment