Nanalo sa Celebrity Category ng Eco-Marathon Competition ang TV Host na si Bianca Gonzales matapos tinalo ang iba pang mga Celebrity mula sa iba't-ibang bansa sa Asya, gaya ng Thailang, Malaysia at Singapore.
Tumakbo nang 67.61 kilometro ang TV Host gamit lamang ng isang litrong gasolina, kaya ito tinanghal na kampeon at "Celebriy Driver of the Year".
Umabot sa 105 na sasakyan mula sa mga bansa sa Asya ang lumahok sa kompetisyon kabilang ang 15 pambato ng Pilipinas.
Ang Eco-Marathon ay karera ng mga sasakyan kung saan ang batayan ng mga mananalo ay kung gaano kalayo ang distansiyang tinakbo gamit lamang ang isang litrong gasolina.
0 comments:
Post a Comment