BACOLOD CITY - Arestado ang dalawang mga carnappers matapos kanilang kinuha ang dalawang nakaparadang motorsiklo malapit sa dalawang unibersidad dito sa lungsod ng Bacolod kahapon.
Nakilala ang mga suspetsado na sina Jose Angelo Soriano alias Jack, 24-yrs. old, residente ng Eroreco Subdivision, Brgy. Mandalagan at ang tinuturong mastermind na si Great Austria alias Lablab, 29-yrs. old, residente ng Purok Malapitan, Brgy. Alijis.
Ang dalawa ang tinuturong nagnakaw ng motorsiklo ng dalawang estudyante na si Kirk Andrew Huerva ng West Negros University at Jeff Paolo Basillas ng University of St. La Salle
Ayon kay Police Station 4 Commander Chief Insp. Adonis Rosales, una nahuli si Soriano matapos pinatutulongan bugbugin ng mga kalalakihan na nakakita sa balak nitong nakawin ang motor ni Basillas.
Sa imbestigasyon ng kapulisan, inamin ng suspek na siya din ang kumuha ng motor ni Hueva at dinala niya ito sa talyer ni Austria.
Sa Hot Pursuit Operation ng mga kapulisan sa talyer ni Austria, naaktuhan na na-distrungkar ang motor ng estudyante.
Masobra sa 27 mga motorsiklo ang na-recover ng mga kapulisan mula sa talyer ni Austria na pinaniniwalaan ito ay mula sa nakaw matapos na-recover dito ang peke na mga plate numbers, mga papeles at mga gamit sa pa-remodel ng motorsiklo.
Anti-Carnapping Law naman ang kasong haharapin ng dalawa.
0 comments:
Post a Comment