Sa kagustuhang magpasikat ng dalawang binata sa kanilang nililigawan ay nagnakaw ang mga ito ng chocolate sa supermarket subalit minalas na madakip at makulong sa Caloocan City, nakaraang Sabado ng hapon.
Nahaharap sa kasong theft sina Joshua Manabat at Ronald Donaire, kapwa 18-anyos, ng Makanas St., Panghulo, Malabon City.
Sa ulat, alas-4:30 ng hapon, nagsipasok ang mga suspek sa Puregold Supermarket sa Samson Road at nag-ikot.
Pinagmasdan ng guwardiyang si Esperanza Nuñes ang mga suspek at napansin na may dinampot subalit diretso sa exit at hindi na dumaan ng counter na naging dahilan upang habulin ng sekyu.
Inabutan at nang kapkapan ay nakuha sa mga suspek ang tig-isang Ferrero Rocher na chocolate na nagkakahalaga ng P57 ang isa na naging dahilan upang dalhin sa presinto.
Nasabi ng mga suspek na gusto lang nilang maregaluhan ang kanilang nililigawan at dahil walang pera ay nagnakaw na lang subalit minalas na mabuko.
0 comments:
Post a Comment