Umabot sa apat ang bilang ng mga nalunod sa paggunita ng Semana Santa na naitala sa iba't ibang lugar sa Isabela.
Nasawi sa pagkalunod ang pitong taong gulang na batang lalaki sa ilog Magat sa Cabatuan, Isabela.
Nakilala ang biktima na si John Loyd Corpuz na residente ng District 2, San Manuel, Isabela.
Naliligo umano ang bata nang mapadako sa malalim na bahagi ng tubig.
Nakuha naman ang katawan ng bata at dinala sa family Clinic subalit idineklarang dead on arrival.
Nalunod naman si Joesph Talosig, 53-anyos, kawani ng Isabela Provincial Health Office at residente ng Osmena, Ilagan City.
Ang biktima at mga kaibigan ay nagtungo sa Round Rock resort sa Cansan, Cabagan noong Biyernes Santo makaraang mag-inuman at ipinasya ni Talosig na magtungo sa swimming pool.
Napansin ng kasamahan na hindi na gumagalaw sa kanyang kinalalagyan si Talosig kaya't tumawag ng lifeguard at dito isinailalim sa life saving technique ngunit hindi bumabalik ang malay at tuluyang binawian ng buhay.
Namatay naman sa Cagayan River sa Garit, Echague, Isabela si Dondon Aban, 24-anyos, binata at residente ng Saguday, Quirino.
Ang biktima at mga kaibigan ay nag-picnic at nag-inuman sa ilog noong Huwebes Santo at habang naliligo si Aban ay napulikat ang paa na naging dahilan ng kanyang pagkalunod at pagkamatay.
Nauna na ring naiulat na isang 15 anyos na si Jessica Fernandez na residente ng Purok 6, Culalabat , Cauayan City ang nalunod sa ilog na nasasakupan ng Brgy. Duminit makaraang maligo. Inaalam pa ng pulisya kung may foul play sa kanyang pagkalunod.
Inaalam din ng mga otoridad ang detalye sa naging kasama nito na isang Angelo Buriaga, 19, na kanyang kabarangay.
0 comments:
Post a Comment