Nasa Vatican na ang babaeng sinasabing napagaling ni John Paul II upang saksihan ang canonization.
Kinilala kay Floribeth Mora Diaz ng Costa Rica.
Si Diaz ay nagkaroon ng brain aneurysm noong 2011 at tinaningan na ang buhay.
Subalit nang napatingin daw siya sa larawan ni Pope John Paul II, may boses siyang narinig mula sa larawan at sa mismong araw kung kailan na-beatify ang dating Santo Papa ay gumaling si Diaz.
Ang nasabing milagro ay kinilala ni Pope Francis noong 2013 upang maging daan sa ganap na paghirang kay John Paul II na santo.