Mangunguna ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP sa mga aktibidad ngayong buwan ng Abril kaugnay sa Broadcaster's Month.
Kabilang sa mga aktibidad na nakahanay ay katulad ng KBP chapter leaders conference, pagpapatuloy ng mga proyekto sa pagtulong sa mga biktima ng Typhoon Yolanda, Golden Dove Awards bilang pagkilala sa mga outsanding stations at broadcasters, sports activities at iba pa.
Lalo pang pag-iibayuhin ng asosasyon ang mga programa nito para sa industriya, mga adbokasiya para sa kalikasan at paglaban sa global warming.
Una na ring tiniyak ng KBP, na ngayon ay nasa ika-41 taon na, ang pakikipagtulungan sa Phivolcs at Pagasa na maging epektibong tulay sa pagbibigay impormasyon sa publiko lalo na sa larangan ng disaster at emergency preparedness.
Ang KBP ay binubuo ng 123 broadcasting companies bilang mga miyembro, habang kaanib din ang umaabot sa 624 radio stations at 109 television stations sa iba't ibang dako ng bansa.
Itinatag ang KBP ng mga private broadcasters noon pang taong 1973 sa kasagsagan ng martial law upang magkaroon ng iisang boses ang broadcast media.
0 comments:
Post a Comment