MANAPLA - Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang isang lalaki matapos aksidenteng nabaril ang kanyang ari sa Negros Occidental.
Kasalukuyang naka-confine sa Teresita Jalandoni Provincial Hospital sa Lungsod ng Silay ang biktimang si Robert Rubido, 38-anyos, may asawa at residente ng Brgy.1-A,sa bayan ng Manapla, dahil sa tinamong sugat.
Napag-alaman na iihi sana ang biktima nang aksidente nitong nakalabit ang gatilyo ng 38 caliber revolver nito habang nagbubukas ng butones ng kanyang pantalon at natamaan ang dulo ng kanyang ari.
Unang isinugod sa Manapla health center ang biktima ngunit inilipat sa ospital sa lungsod ng Silay para sa nararapat na paggamot.