Pinagkaguluhan ang isinagawang Public Workout ni dating 8-Division World Manny Pacquiao bilang paghahanda sa rematch kay WBO Welterweight Champion Timothy Bradley Jr.
Bago dumating sa Wild Card gym si Pacman, matiyagang nag-abang at pumila sa labas ang daan-daang Pacquiao fans. Siksikan din sa loob ng boxing gym sa dami ng mga international media na nag-cover sa event. Kasama si trainer Freddie Roach, nagpakitang gilas ang Pinoy Boxing Icon sa ilang round ng boxing mitts, shadow boxing at double-end bag.
Labis na ikinatuwa ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum ang kinalabasan na workout.
Ang Pacquiao-Bradley Fight ay gagawin sa April 13 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.
0 comments:
Post a Comment