Panalo ang Philippine Football Team Azkals laban sa Nepal National Football Team sa score na 3-0, sa Grand Hamad Stadium sa Qatar.
Ito ang unang panalo ng National Team sa ilalim ng bagong Head Coach na si Thomas Dooley.
Magandang balita rin ang ipinakitang team effort lalo pa't bumagsak sa rankings ang Pilipinas sa FIFA.
Unang nakagoal ang Azkals sa ika-14 minuto ng laro sa pamamagitan ni Curt Dizon at sinundan ito ng header ni Martin Steuble bago matapos ang first half. Hindi pa rin natapos ang magandang nilaro ng Azkals na kung saan sa 90th minute, naka-iskor pa si Reuben Doctora.
Kung maalala, sa dalawang friendly games noong nakaraang buwan, natalo sila laban sa Azerbaijan,1-0, habang scoreless draw naman sa pagitan ng Malaysia.
0 comments:
Post a Comment