Nadakip ng mga pulis ang isang nursing student ng University of Sto. Thomas makaraang mangholdap ng taxi driver sa Quezon City.
Nabatid na sakay ang hindi pinangalanang estudyante ng taxi ni Ronaldo Tindero nang magpahayag ito ng holdap, noong Lunes ng gabi.
Gamit ang 11 inches na patalim ay kinuha ng suspek ang kita ng driver na umaabot sa P3, 500. Pero nanlaban ang biktima kaya nadakip ang bata.
Sa presinto ay nagmakaawa ang bata sa driver na pinatawad din naman ng biktima. Inamin din ng suspek na nagawa niya lang ang krimen dahil sa takot nang magastos niya ang kanyang P3,000 allowance sa e-games sa isang casino sa Maynila.
0 comments:
Post a Comment