Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang timog na bahagi ng Cabangan, Zambales nitong alas-3:37 ng madaling araw sa layong 22 kilometers.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang naturang lindol ay may lalim na 32 kilometro.
Maliban dito, nakapagtala din ang Phivolcs ng pagyanig ng magnitude 3.4 na lindol sa timog silangan na bahagi ng Cateel, Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol dakong alas-12:40 ng hating gabi na may lalim 138 kilometro.
Tectonic in origin ang dahilan ng nasabing mga pagyanig habang wala namang may naitalang pinsala sa nasabing mga pagyanig.