Lagpas tao ang lalim ng tubig baha ang nararanasan ngayon sa ilang estado sa Gulf Coast sa Amerika, partikular sa estado ng Florida na dulot ng ulan.
Patay ang 67-anyos na babae makaraang tinangay ng baha sa Escambia County.
Na-rescue naman ang higit 300 katao habang maraming bahay at sasakyan ang nasira makaraang malubog sa tubig baha.
Na-shutdown ang mga military bases sa Florida dahil sa baha, nasira ang mga daan at tulay.
Sa Pensacola Airport, naitala ang 15.55 inches na rainfall na siya na umanong pinakamatinding pag-ulan na naitala sa kasaysayan ng lungsod.
Sa katabing Alabama, nasa 21 inches ang rainfall na naitala.
Ang matinding ulan ay bahagi ng storm system na nanalasa sa Arkansas, Oklahoma, Mississippi, Iowa, Georgia, Tennessee at Alabama na nagdulot ng 65 ipo-ipo.
Nabatid na 37 ang nasawi sa pananalasa ng ipo-ipo.
Nagbabala rin ang mga forecasters sa bagbaha sa New York.