Pinayuhan ngayon ng Deparment of Labor and Employment o DOLE ang mga estudyante sa kolehiyo na kumuha ng mga skilled course.
Ani Labor Secretary Rosalinda Baldoz, dapat isaalang-alang ang pagkuha ng skilled courses na madaling pakinabangan at maiiwasan ang mataas na unemployment rate kung masusundan ng mga estudyante ang tamang demand sa job market.