Labis ang pasasalamat ng driver ng hini-jack na truck na may kargang 550 na sako ng abono dahil ligtas itong nakauwi sa kaniyang pamilya makaraan ang tatlong araw ng pagkakadukot sa kaniya.
Sinabi ni Randel Nolledo Jr. ng Brgy. 1A, Manapla, Negros Occidental, lubos ang kaniyang kasiyahan dahil buhay itong nakauwi at gayundin ang kaniyang helper na si Ronald Habagat, na unang pinakawalan ng tinatayang walong mga suspek sa hindi malamang lugar.
Si Nolledo ay pinakawalan noong Miyerkules ng madaling araw malapit sa lungsod ng San Carlos.
Samantala, ang hinay-jack na truck ay natagpuan naman sa bahay ng isa executive assistant sa lungsod ng Bacolod.