Umaabot na sa 13 katao ang patay sa Winter Storm na humahagupit sa Southwest America.
Karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng aksidente sa lansangan na balot ng snow.
Kabilang sa mga estadong balot ng snow at nakakaranas ng baha ay ang Oklahoma, Texas, California, New Mexico at Arizona.
Sa Dallas-Fort Worth International Airport, nasa 300 na mga flights ng eroplano na ang kinansela bunsod ng hindi magandang panahon.
Daan-daang aksidente sa daan na ang naitala bunsod ng makapal na yelong nakabalot sa mga lansangan.
0 comments:
Post a Comment